Filipino play
Part 1
Scene 1
Narrator: Isang mahirap
na bata na nagngangalang Bruno ang nakatira sa isang barong-barong na bahay
dahil sa kahirapan at nakakakuha lamang sila ng pera dahil sa paglilimos ni
Bruno. Minsan ay sinasaktan sya nga kanyang mga magulang kapag kunti lang ang
kanyang nalimos. Dumating siya sa bahay nila at naabutan niya ang kaniyang ina
na nagsusugal.
Gab: Inay! Narito na po
ako.
Gab: Mano po, Inay.
Elisha: Oh! Sha..
nasaan na ang nalimos mo?
Inay: Pasensya na po
pero... (Biglang sinabunutan si Bruno)
Elisha: Sa susunod,
ramiramihan mo ang paghingi ng limos kundi hindi kita papakainin! Wala ka
talagang pakinabang! Walang kwenta!
Gab: Pasensa na po
Inay! Tama na po! Pakiusap!
Narrator: Habang umiiyak
si Bruno ay dumating na ang kanyang tatay na lasing.
Gab: Mano po tay.
Josh: Ano! Umiiyak ka
nanaman, lumayo ka nga sa akin, ayoko sa mga bakla!
Narrator: Habang
umiiyak si Bruno ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya paaapi kahit
kanino.
Gab: Hindi na ako
magpapaapi kahit kanino, makikita nila.
Narrator: At doon
nagsimula ang pagbago ng ugali ni Bruno.
Part 2
Scene 1
Narrator: Si Fery lou
naman ay iniinsulto ng kanyang mga kaklase dahil sa kahirapan niya. Tinatago
niya ang kaniyang baon na isang piraso ng tinapay lamang dahil alam niya na
kapag nakita ito ng kaniyang mga kaklase ay mapapahiya nanaman siya.
Loren: Hahaha! Isang piraso ng tinapay lamang ang kaniyang
baon.
Paola: Hahaha! Kawawa
naman! Hahaha!
Narrator: Si Fery lou
ay palaging nag-iisa sa paaralan at wala siyang kaibigan. Isang araw ang
nakaisip sya ng paraan.
Narrator: Si Nemo ay
isang batang papel na ginawa lamang ng isang estudyante para sa isang proyekto
sa kanyang paaralan na gumawa ng isang gamit na galing sa isang bagay o mas
tinatawag nating Recycled Materials.
Danica: Aking mga
kaklase dahil absent si Ma’am ay ako ang in-charge sa inyo bilang presidente. Meron
daw tayong bagong proyekto. Gagawa tayo ng isang recycled material.
Clemente: Yes! May
bagong proyekto. Sana hindi makagawa ang isa dito ng proyekto sa pagkakataon
ngayon.
Narrator: At pagkatapos
ng klase...
Frivaldo: Kaya ko to
may na-isip na ako. (Pabulong na sabi ni Fery lou)
Scene 2
Narrator: Gumawa si
Fery lou ng proyekto na isang batang papel at pinangalanan itong Nemo.
Pinag-isipan nya rin kung ano ang sasabihin nya sa kanyang mga magulang.
Frivaldo: Yehey! Tapos
na rin ako. Alam ko na kong anong sasabihin ko sa aking mga kaklase.
Scene 3
Narrator: Hindi
ipinakita ni Fery lou ang kanyang proyekto at baka tuksuhin nanaman siya.
Fery lou: Ipapasa ko
ito agad kay Ma’am (Ipinasa ang proyekto ni Fery lou sa kanyang guro)
Narrator: Pagkatapos
niyang ipasa ang kanyang proyekto ay pumunta sya sa kanyang mga kaklase.
Frivaldo: Alam nyo ba
na ma sandaang damit ako?
Loren: Weeee! Ba’t di
mo dala?
Frivaldo: Dahil ayaw
kong madumihan iyon.
Narrator: Sinabi ni
Fery lou kung ano ang uri ng kanyang sandaang damit. Iginuhit nya ito at sinabi
nya kung anong uri ng tela ang ginamit para mabuo ang kanyang sandaang damit.
Scene 4
Narrator: Minahal siya
ng kaniyang mga kaklase mula noon, Hangang sa may mahangin na araw.
Narrator: Hindi muling
nakita si Fery lou, at siya ay naging palaboy.
Narrator: Sa parehong
oras na mahangi ay nahanginan rin ang proyekto ni Fery lou na si Nemo at doon
nagsimula ang paglalakbay ni Nemo at Fer lou.
Part 3
Scene 1
Narrator: Dalawang bata
na ininiwan ng kanilang mga magulang dahil sa matinding kahirapan nila na
bumuhay ng kahit isang tao at may utang pa sila sa isang mayaman na tumutulong
sa kanila para mabuhay ang anak nila at hindi pa nila nababayaran sila.
Audrey: Mahirap na
talaga ang buhay Nikko.
Nikko: Pero kawawa
naman ang ating mga anak.
Audrey: Iwanan muna
natin sila sa bahay ampunan para doon sila mabuhay ng maayos.
Audrey: Gumawa ako ng
sulat sa mga madre doon, para walang umampon sa kanila maliban sa atin.
Nikko: Ito lang ang
maiibigay ko sa kanila. (Iniabot ni Nikko ang kuwintas kay Audrey) Gumawa pa
ako ng isa para rin sa atin.
Audrey: Halika na
umalis na tayo.
Narrator: Umalis na
sila at idinala ang kanilang dalawang anak sa ampunan.
Audrey: Mga anak, Sana
mapunta kayo sa mga mabubuting kamay. Heto na ang kuwintas ninyo. Huwag sana
mawala ito sa inyo.
Scene 2
Narrator: Hindi ang mga
madre na nakatira sa bahay ampunan ang nakakuha sa bata. Isang matandang babae
na nag-iisa ang nakakita sa mga sanggol, naawa ito kaya kinuha nito ang mga
bata.
Corinne: Kawawa naman
ang mga batang ito, bata palang iniwan na. Halika papalakihin kita ng mabuti.
Narrator: Nakita ni
Corinne ang sulat pero itinago ito dahil baka kong anong mangyaring masama
pag-iniwan nya rin ito.
Corinne: Ano ba to?
(Binasa nya at itinago sa bulsa)
Narrator: Pinalaki sila
ng mabuting matanda at tinuruan ng mabubuting asal, tinapat nya rin sa bata na
ampun lang sila para hindi sila masaktan pagnalaman nila sa ibang tao ang totoo
at ikinuwento ng matanda kung ano ang nangyari sa mga magulang nila.
Corrine: Mga bata,
buhay pa ang mga magulang ninyo. Hindi nila kayo kayang buhayin dahil sa
kahirapan, sana hindi kayo magalit sa kanila.
Jericho: Opo lola, para
po sayo gagawin namin ito.
Corinne: Hindi para sa
akin mga bata, para sa mga magulang ninyo.
Marian: Opo, lola.
Scene 3
Narrator: Isang araw ng
malalaki na ang mga bata ay namatay ang kawawang matanda dahil nahimatay sa
init at pagkawalan ng pera.
Jericho: Lola, huwag ka
munang mamatay kailangan pa namin ikaw, hahanapin namin kung sino ang mga tunay
naming magulang para sa kanila basta mabuhay ka Lola! Lola! Lola!
Marian: Opo, lola,
gagawin namin ito para sa kanila! Lola!
Narrator: Napakalungkot
ng mga bata, tanging pag-alala ng mga salita ng kanilang lola ang pumukaw sa
kanila para mabuhay parin kahit wala na ang kanilang lola.
Jericho: Ano na ba ang
gagawin natin, sana nandito si lola para gabayin tayo.
Marian: Oo, nga sana
nandito si lola.
Scene 4
Narrator: Naging
palaboy ang mga bata. Nakakakain lang sila dahil sa paglimos, minsan ay ayaw ng
mga tao na lumapit sa kanila.
Marian: Ate, pwede po
palimos naman po kami.
Loren: Umalis ka nga kayo
dito ang baho-baho ninyo at lalapit kayo sa akin ano kayo! Heto! Ang pera
saksak ninyo sa baga ninyo, mahiya naman
kayo! Halika ka na nga Paola.
Paola: Oo nga, punta na
tayo sa shop.
Narrator: Minsan rin ay
kinukuha ni Bruno at ang kanyang mga kaibigan, ang nalimos nilang pera.
Gab: Hoy, bata sa amin na nga ang pera mo kung ayaw mong masaktan.
Jericho: Heto na ang
pera, huwag ninyo siyang sasaktan.
Marian: Salamat aking
kapatid.
Jericho: Walang ano
man, basta mag-ingat ka sa kanila, ha. Halika na.
Scene 5
Narrator: Isang araw
hindi mapakali si Jericho at Marian dahil nagdadalawang isip sila kung hahanapin
parin nila ang kanilang mga magulang na umiwan sa kanila dahil sa galit na iniwan
sila ng mga magulang nila kahit sanggol pa lamang, pero napagisip-isip nila ang
sinabi ng kanilang lola sa kanila kaya hinanap nila ang kanilang mga magulang.
Jericho: Nagdadalawang isip ako kung hahanapin parin natin
ang ating mga magulang o hindi.
Marian: Ako rin
nagdadalawang isip sa paghahanap sa kanila. Pero kailangan rin natin silang
hanapin para sa ating pangako kay lola.
Jericho: Sa Bagay tama
ka. Tanging ito lang kuwintas na ito ang ibinigay na alala nila.
Marian: Dapat natin
itong ingatan.
Jericho: Halika ka na,
simulan nating maghanap sa kanila.
Scene 6
Narrator: Nang hinahanap
nila ang kanilang mga magulang, nakahanap rin sila ng mga bagong kaibigan sa
kalye.
Frivaldo: Sino ba kayo?
Marian: Ako si Marian
at siya naman ang aking kapatid si Jericho, at sino ka naman?
Frivaldo: Ako nga pala
si Ferry lou, masaya sana ako noong nakuha ko ang loob ng aking mga kaklase at
hindi na nila ako sinasaktan dahil sa pagsabi na may sandaang damit ako, pero
namatay ang aking mga magulang.
Marian: Pasensya na
Fery lou, ayos lang yan, kami rin naranasan namin iyan pero hindi namin niloko ang
aming mga kaklase. Pero ganito kami, hinahanap namin ang aming mga magulang.
Frivaldo: Pasensya na
kung narinig ko ito.
Marian: Ayos lang yun.
Frivaldo: Hali kayo,
doon tayo sa lugar kung saan ako nagpapahinga para rin makapagpahinga kayo sa
paghiga sa mga masasakit na bato.
Jericho: Salamat Ferry
lou, ha.
Frivaldo: Walang ano
man tumutulong lang ako sa mga kagaya ko para makaiwas sa batang si Bruno.
Jericho: Sino ba si
Bruno?
Frivaldo: Si Bruno ay
kumukuha ng pera ng mga batang katulad natin lalo na si Adong.
Scene 7
Narrator: Dinala ni
Ferry Lou si Jericho at si Marian sa isang lugar kung saan siya nagpapahinga, pero
hindi kanais-nais ang nakita nila.
Gab: Adong! Tatakas ka
pa. Ibigay mo na sa akin ang limos mo o masasaktan ka!
Jorge: Bitawan mo ako,
Bruno! Bitawan mo ako!
Gab: Aah! Lumalaban ka
na! Itong sayo!
Marian: Tama na nga
yan, malapit tayo sa simbahan at nakikipag-away ka.Tatawag ako ng pulis kong hindi ka titigil.
Narrator: Natakot dito
si Bruno kaya nagpasya sya na umalis.
Jorge: Salamat ha, ako
nga pala si Adong, sino naman kayo?
Marian: Ako si Marian
at siya naman ang aking kapatid na si Jericho.
Jorge: Salamat uli ha.
Halika kana Fery lou, Pumunta na tayo sa ating lugar para makakain na,
naghihintay na si Nemo doon.
Fery lou: Sasama sila
sa atin kung pwede lang.
Jorge: Oo, Syempre,
hali na kayo.
Narrator: Dinala ni
Fery lou at Adong si Jericho at Marian sa kanilang lugar.
Felix: O, nandito na
pala kayo at sino naman sila?
Fery lou: Sila nga pala
si Marian at Jericho.
Felix: Nasan na ba yung
pagkain naghihintay na rin ang aking mga kaibigan.
Jorge: O, heto na ang
pagkain mo.
Felix: Salamat ha.
Scene 8
Narrator: Nagsama-sama
sila sa isang lugar na matutulugan nila. Isang araw nang naglilimos sila nakita
nila na ninanakaw ng mga kasama ni Bruno ang cellphone ng babae. Nakilala ni
Fery lou yung mga nanakawan kaya nagtago ito.
Paola: Tulong! kinuha nila
ang cellphone ko!
Narrator: Hinabol nila
ito at nabawi ang cellphone ng babae at ibinigay pabalik ito.
Felix: Tara habulin
natin.
Jorge: Hoy! Tigil!
Jericho: Sa akin na nga
yan! (Kinuha ni Jericho ang celllphone nang babae sa magnanakaw)
Paola: Nasaan na ang
cellphone ko?!
Jericho: Heto po ang
cellphone nyo.
Paola: Heto ang pera
ninyo, mga palaboy, wag nakayong mahiya dahil wala naman kayong hiya.
Paola: Ayaw nyo, kunin
nyo! (Tinapon ni Paola ang pera.)
Felix: Ang sama naman
ng babaeng iyun. Kunin na nga natin ang pera kakailanganin pa natin ito.
Scene 9
Narrator: Isang gabi ng
tumutulog na ang mga kasama ni Jericho at Marian ay hindi sila makatulog at
malungkot. Naisip nila ang kanilang mga magulang hawak-hawak ang kuwintas na
ibinigay ng kanilang mga magulang.
Jericho: Ang saya-saya
nga dito sa kalsada kasama ang ating mga kaibigan ay wala naman ang ating mga
magulang.
Marian: Oo, nga hindi
ko na kayang matiis na wala sila sa ating piling.
Jericho: Mabuti naman
ay nandito ka, kahit papaano hindi ako nag-iisa sa pamilya.
Marian: Salamat rin at
nandito ka kasama ko.
Scene 10
Narrator: At sa mga
magulang nila umuutang parin sila sa mayamang pinag-uutangan nila na patay na,
kaya ang pinag-uutangan na lang nila ay ang dalawang anak nito.
Audrey: Madam, pautang
naman po kailangan po namin maawa po kayo sa amin!
Paola: Ang mga magulang
mo kasi anak ng anak kaya mahirap kayo.
Falcon: Tama, dapat
sisihin ang mga magulang ninyo.
Nikko: Tatanggapin
namin kahit anong masasakit na salita, kailangan talaga namin ng pera.
Paola: O! Ito, isaksak
mo sa baga mo!
Nikko: Salamat po!
Scene 11
Narrator: Dahil sa
kalakihan ng halaga nito ay naisip nila na idiposito ang pera sa Banko hanggang
sa mataas na ang halaga nito dahil sa interest. Iginastos nila ito sa
pagnenegosyo para makaahun sa hirap at mampon ang kanilang dalawang anak.
Audrey: Salamat sa
Diyos! Binigyan nya tayo ng pagkakataung mabuhay ng masagana at maaampun na rin
natin ang ating dalawang anak.
Narrator: Aampunin na
sana nila ang dalawang anak nila, kaya lang napagtanto nila na hindi nakuha ng
madre doon, ang kanilang mga anak. Kaya hinanap nila ito sa kung saan-saang
lupalop.
Scene 12
Narrator: Nang palakad
si Jericho at Marian papunta sa kanyang mga kaibigan nila ay nakasalubong nila
ang mga batang masasama na hinabol nila. May dala itong baril dahil nais nilang
bumawi sa kanila sa ginawang pagbawi ng cellphone at nasis rin nitong makuha
ang itinatagong pera nila na bigay ng babae na tinulungan nila. Dumating ang
mga kaibigan nila at nakita nila ang dala ng mga masasamang bata, natakot sila
pero hindi sila makatakas. Binigyang pagkakataong mabuhay ang bata kung
ibibigay sa kanila ang lahat ng pera nito o tumakas sa sampung sekundo lamang.
Gab: Bibigyan kita ng
pagkakataong mabuhay bata, kung ibibigay mo ang lahat ng perang tago ninyo o
tumakas sa loob lamang ng sampung sekundo.
Jericho: Ano ba ang
desisyon natin tumakas o ibigay natin ang pera.
Jorge: Tumakas na lang
tayo, pinaghirapan naman natin ito eh.
Marian: Sana walang
masaktan sa atin kahit isa.
Frivaldo: Sangayon ako
kay Felix.
Jericho: Simulan na
natin isa, dalawa, tatlo, takbo!
Gab: Hoy! Sandali.
Scene 13
Narrator: Tumakas nga
sila pero natamaan ng bala si Jericho. Kinalaban ng mga kaibigan ni Jericho ang
mga masasamang bata, dahil wala nang ipuputok pa ang baril nila dahil isa lang
ang bala nito. Natalo ang mga masasamang bata at humingi sila ng tulong na ikarga si Jericho
papuntang ospital.
Frivaldo: Ang sama
ninyo!
Marian: Kailangan natin
ng tulong!
Jorge: Bilis, halina
kayo!
Scene 14
Narrator: Naging papel
muli si Nemo kasama ang kanyang mga kaibigan sa kalye ng humiling sila.
Felix at ang iba pa:
Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kami ay gawing batang masayahin.
Narrator: Nakita ni
Audrey at Nikko si Jericho papuntang sa ospital. Naawa sila kay Jericho kaya
tinulungan nila ito dahil sa pag-alala ng kanilang iniwang anak.
Nikko: Kawawa naman ang
batang iyon.
Audrey: Halika tulungan
natin meron pa naman tayong pera para sa anak natin.
Scene 15
Narrator: Tinulungan
nga ni Audrey at Nikko na manumbalik ang lakas ni Jericho at may naramdaman
sila na kakaiba kay Jericho at Marian sa pagtingin palang ng kuwintas na suot
nila.
Audrey: Halika Nikko,
pumunta tayo sa isa sa mga kuwarto dito para mag-usap tungkol sa ating anak.
Audrey: Si Jericho at
Marian ang ating anak.
Nikko: Paano mo naman
mapapatunayan.
Audrey: Naroon sa
kanila ang kuwintas na ibinigay nila at tama ang edad nila.
Scene 16
Narrator: Narinig at nakita ito ng bata dahil sa nakalimutang
isarado ng mabuti ang pintuan. Nagalit nito ang bata, pero sumama parin ito sa
magulang nya hindi dahil mahal nya sila kundi ay naaawa sya sa kanila.
Jericho: Ano po, anak
ninyo kami?
Audrey: Oo, anak.
Jericho:
Bakit ninyo kami iniwan kahit sanggol pa lamang kami?! Mga walang puso!
Marian:
Tama na!
Audrey: Patawarin mo
ako anak. Hayaan mo babawi ako sayo.
Jericho: Hindi na po
kailangan, masaya naman kami sa buhay namin sa kalsada.
Marian: Tama na aking
kapatid!
Audrey: Patawarin mo
ako anak, Patawarin mo ako anak!. Hindi ko kaya ang kahirapan kaya ko to nagawa
may plano rin naman kami ng ama mo na kunin ka kapag nakaahun kami sa hirap.
Jericho: Sige, sasama
kami hindi dahil pinapatawad kita kundi dahil naaawa kami sayo!
Audrey: Ayos lang yan
sa aking anak, basta makasama kayo.
Scene 17
Narrator: Ginawa ng mga
magulang ang lahat para mapamahal ang anak nila sa kanila.
Narrator:Isang araw
napag-alaman ng bata na ginawa ng mga magulang nya ang mga ito dahil sa
kahirapan pero hindi nila kinalimutan sya maliban lang ng naaksidente sila.
Jericho: Alam na namin po ang lahat ng nangyari, mahal nyo
rin pala kami.
Audrey: Oo anak mahal
ko kayong dalawa.
Narrator: Tinulungan ni
Jericho ang kanyang mga kaibigan na makaahun rin sa kahirapan sa pamamagitan ng
pag-ampun sa kanila at pinalago pa nila ang negosyo nila.
Frivaldo at Jorge:
Salamat Jericho! Salamat rin Marian!
Jericho: Walang ano
man, hali na kayo para kumain.
Marian: Ito ooh!
Masarap to
Narrator: Nakaahon na
rin sina Ferry lou at Adong sa kahirapan at nakatakas na rin si Adong sa
mabangis na lungsod at naging batang masayahin narin si Nemo. At dito
nagtatapos ang storya ng mga uri ng kahirapan. Salamat po!
Props Needed
1.
2 necklace
2.
Laruang
baril
3.
Six
set 10 pesos Bam-Bam- to be prepared before scene 12 / before the play
4.
Higaang
bato
5.
Banig
para sa mga batang kalsada
6.
2 baby
doll, 1 boy 1 girl
7.
Hihiram
na lang po tayo ng table
8.
Background
ng ospital, 2 kalsada, Loob ng bahay (pammahirap),at bahay ampunan kailangan na
kita ang pintuan, Banko, Simbahan, paaralan.
9.
Sa
Classroom na lang po kukunin ang mga chairs
10.
Play
money lang po kung gusto o totoong money dapat malaki ang halaga
11.
Baraha
12.
Can
13.
Ketchup
14.
Background
ng ating Play
15.
4 na Batang
papel
16.
Theme
songs
1.
Pangako
by Regine Velasquez
2.
Minsan
Lang Kita Iibigin by Juris Fernandez
3.
Kailangan
Ko’y Ikaw by Regine Velasquez
4.
Kailangan
kita by Jovit Baldivino
5.